MANILA, Philippines - Nang kunin ng Barangay Ginebra ang isang 16-point lead sa first half ay hindi na nila nilingon ang San Mig Coffee.
Binawian ng Gin Kings ang Mixers sa Game Two, 93-64, sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart AraÂneta Coliseum.
Itinabla ng Ginebra sa 1-1 ang kanilang best-of-seven semifinals duel ng San Mig Coffee, inilusot ang 85-83 panalo sa Game One.
Matapos kunin ang 69-53 bentahe sa pagtatapos ng third period ay isang 8-0 atake ang ginawa ng Gin Kings para ibaon ang Mixers sa 77-53 bago ilista ang isang 27-point lead, 85-58 mula sa basket ni Billy Mamaril sa huling 3:27 ng fourth quarter.
Samantala, target ng Rain or Shine na maitayo ang malaking 3-0 bentahe sa kanilang semis series ng Petron.
Bumangon mula 16 punÂtos na pagkakalubog sa first half ang Elasto PainÂters bago tinuhog ang 103-94 panalo laban sa Boostersnoong Miyerkules at kunin ang 2-0 kalamangan sa serye.
Sa ganap na alas-3:30 ng hapon magsisimula ang tagisan at alam ni Rain or Shine coach Yeng Guaio na ang kahalagahan ng 3-0 bentahe para tuÂmibay ang paghahabol ng puwesto sa championship round.
“This could be the bigÂgest game for us if we win. A 3-0 lead can be a back breaker,†wika ni Guiao na balak na kunin ang ika-limang titulo pero kauna-unahan sa All-Filipino Cup.
Sina Jeff Chan, Gabe Norwood at Paul Lee ay paÂtuloy na gumagawa paÂra sa koponan ngunit naÂroroon din ang tikas nina RayÂmund AlÂmazan at Beau BelÂga.
Sina Arwind Santos, MarÂÂcio Lassiter at Alex CaÂbagnot ang mga dapat magÂdala sa Boosters pero kailangan nila na bumalik ang dating kinang ni June Mar Fajardo para makaisa sa serye. (ATan)
Ginebra 93 - Slaughter 21, Helterbrand 11, Tenorio 10, Mamaril 10, Reyes 8, Caguioa 8, Aguilar 7, Monfort 5, Ellis 4, Faundo 4, Baracael 3, Forrester 2, Ababou 0.
San Mig Coffee 64 - Simon 16, Pingris 15, Yap 14, Barroca 7, De Ocampo 3, Acuna 3, Mallari 3, Devance 2, Cawaling 1, Gaco 0, Sangalang 0, Melton 0, Holstein 0, Reavis 0.
Quarterscores: 24-19; 48-32; 69-53; 93-64.