PBA fans hiling na ibalik ang PBA live coverage

Aprubado muli sa PBA board of governors ang kahilingan ng Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na dagdag na panahon sa kanilang preparasyon para sa parating na 2014 World Cup sa Spain.

Ngunit may sariling kahilingan ang PBA sa grupo ni coach Chot Reyes. At kapana-panabik abangan kung magbabalik ng goodwill ang huli.

Sa kanilang dialogue kahapon, ipinarating ni PBA commissioner Chito Salud kay Reyes – sa kanyang kapasidad bilang TV5 top executive – ang kahilingan ng liga sa kanilang TV partner na ibalik ang live coverage ng lahat ng PBA games simula sa darating na Commissioner’s Cup.

Ang request na ito ng liga ay nanggaling sa kahilingan mismo ng mga PBA fans na nahihirapang sundan ang PBA weekdays games (first games na live lamang sa Aksyon TV).

“We will discuss this with the TV5 program committee,” pangako ni Reyes.

Una rito, ini-report ni Reyes sa PBA board ang mas magandang viewership ng PBA games sa TV5 kumpara sa panahon nito sa IBC-13.

Asam ni Salud na ikonsidera ng TV5 ang report na ito para ibalik ang live coverage ng lahat ng PBA games.

Ang TV5 news program at shows ni Aga Muhlach at Sharon Cuneta ang mga kabangga sa time slot ng PBA week days first game.

Ready kaya ang TV5 na mag-adjust ng kanilang programs?

***

Kumpiyansa si Antipolo Representative Robbie Puno na maaayos niya, sa tulong ng kanyang mga kasama sa Kongreso, na maisama ang isa kina Javale McGee at Andray Blatche sa Gilas Pilipinas na tutulak sa Spain sa Agosto para sa 2014 World Cup.

“It took us seven months to complete the Marcus Douthit naturalization. We probably have to move faster than that this time,” pahayag ni Puno.

“I’m hoping we can get it passed in time and that means the support of my colleagues in Congress is critical,” dagdag pa ni Puno.

Nag-file na ng bill si Puno sa Kongreso para gawing Filipino citizens sa pamamagitan ng naturalization process ang dalawang NBA players.

Of course, itinutulak ni Puno ang panukalang ito sa pakiki-pagtulungan kay SBP president Manny V. Pangilinan at National coach Chot Reyes.

Show comments