MANILA, Philippines - Magkaroon ng winning momentum papasok sa semifinals na lamang ang hahangarin ng Big Chill at NLEX sa pagharap sa magkahiwalay na laro sa pagtatapos ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup elimination round sa The Arena sa San Juan City.
Parehong selyado na ng Superchargers at Road Warriors ang awtomatikong puwesto sa semifinals ngunit makakaasa na totodo pa rin ang dalawang koponan para makuha ang panalo.
Ika-12 panalo matapos ang 13 laro ang mapapasakamay ng Superchargers kapag tinalo nila ang Hog’s Breath Café sa kanilang ika-2 ng hapon na tunggalian.
Kung mangyari ito ay opisyal nilang seselyuhan ang number one seeding habang ang NLEX ang malalagay sa number two.
Puwede pang maagaw ng Road Warriors na lumasap ng 74-78 pagkatalo sa Cagayan Valley sa hu-ling asignatura, ang unang puwesto kung matalo ang Big Chill at manalo sila sa Zambales M-Builders sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.
Magtatabla ang dalawang koponan sa 10-2 karta at lalabas bilang number one ang tropa ni coach Boyet Fernandez base sa 97-88 panalo sa pagtutuos nila ng Big Chill.
“It’s important for us to close the elimination round on winning note. We want to enter the semis with something to get us going,†pahayag ni Sison.
All-out din ang Razorbacks para magkaroon ng kumpiyansa sa pagharap sa Rising Suns sa quarterfinals.
Number four na ang tropa ni coach Caloy Garcia at kasama ng Jumbo Plastic, ang number three sa standings, ay may twice-to-beat sa susunod na yugto ng kompetisyon.
Pigilan ang paglasap ng ikalawang sunod na pagkatalo ang dagdag na motibasyon ng Road Warriors sa pagharap sa Zambales M-Builders na nais na kunin ang ikatlong panalo matapos ang 13 labanan. (AT)