2-0 sa Painters
MANILA, Philippines - Ipinoste ng Rain or Shine ang kanilang ika-10 sunod na panalo matapos balikan ang Petron Blaze, 103-94, sa Game Two ng kanilang semifinals series para sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Bumawi ang Elasto Painters sa isang 16-point deficit sa third quarter para sikwatin ang matayog na 2-0 kalamangan sa kanilang best-of-seven semis wars ng Boosters.
Nauna nang kinuha ng Rain or Shine ang 103-95 panalo laban sa Petron sa Game One.
Ito ang ika-10 sunod na arangkada ng Elasto Painters, naiwanan ng Boosters sa 50-63 sa third period bago nakamit ang 92-91 bentahe sa 4:31 ng final canto buhat sa drive ni Beau Belga.
Inilapit ni 6-foot-10 June Mar Fajardo ang Petron sa 93-95 sa 2:41 ng laro kasunod ang split ni Jeff Chan at dalawang free throws ni Paul Lee para sa 98-93 paglayo ng Rain or Shine sa huling 1:12 minuto.
Samantala, malalaman ngayon kung anong klaseng suporta ang kayang ibigay ng PBA sa Gilas Pilipinas sa pagpupulong ng PBA Board ngayong tanghali.
Kasama sa inimbitahan si Gilas coach Chot Reyes na haharap sa board na pinamumunuan ni Meralco board representative Mon Segismundo.
Nasabi na ng nakaupong chairman na tutulong siya sa pagtiyak na mabibigyan ng pagkakataon na makapaghanda ang koponan dahil bukod sa FIBA World Cup sa Spain ay lalaro rin ang Gilas sa Asian Games sa Incheon, Korea.
Naghahabol si Reyes ng oras dahil ang ibang bansa ay nagsisimula na ng kanilang pagsasanay.
Bukod pa ito sa pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president at PBA team owner Manny V. Pangi-linan ng kanyang pagnanais na makita ang Gilas na umabante sa second round ng elimination. (AT)
Rain or Shine 103 - Chan 20, Almazan 15, Lee 15, Belga 11, Norwood 11, Araña 8, Tang 5, Quinahan 4, Cruz 4, Nuyles 4, Rodriguez 4, Teng 2, Tiu 0, Ibañes 0.
Petron 94 - Fajardo 20, Cabagnot 17, Lassiter 14, Santos 12, Lutz 7, Kramer 6, Hubalde 6, Ross 6, Tubid 4, Taha 2.
Quarterscores: 18-32, 46-49, 67-78, 103-94.
- Latest