Kinumpleto na ng Blackwater ang cast ng semifinals

MANILA, Philippines - Bumuga agad ng apoy ang opensa ng Blackwater Sports para iwan na ang Cebuana Lhuillier tungo sa 96-74 panalo at kumpletuhin na ang mga koponang aabante sa susunod na round sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Jericho Cruz ay mayroong 19 puntos at 16 rebounds para ipakita ang intensidad ng mga manlalaro ng Elite na tinablahan ang Café France sa  ikaanim na puwesto sa 8-5 baraha.

Pero dahil naisahan nila ang Bakers sa 87-82 overtime panalo, ang Elite ang siyang kumuha sa huling puwesto sa quarterfinals.

“We are on the same page, offensively and defensively, because the players know the importance of this game,” wika ni Elite coach Leo Isaac na nais na dugtungan ang titulong napanalunan sa Foundation Cup.

Si Allan Mangahas ay mayroong 16 puntos habang sina Kevin Ferrer at Narciso Llagas ay naghati sa 22 puntos para sa Blackwater na umabante agad sa 31-13 matapos ang unang yugto.

Makakatuos ng Elite ang number three seed na Jumbo Plastic na may twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Ang Big Chill at NLEX ay umabante na sa semifinals at ang Road Warriors ay nasama kahit nasilat ng Cagayan Valley sa huling laro, 78-74, dahil taglay nila ang pinakamagandang quotient sakaling may makatabla sa puwesto.

Ang Hog’s Breath Café na haharap sa Big Chill sa pagtatapos ng elimination round bukas, ang number four team at may twice-to-beat advantage sa Rising Suns.

Tinalo ng Razorbacks ang Cagayan sa kanilang naunang pagkikita, 82-78, para kunin ang mahalagang bentahe kahit matalo pa sa Superchargers.

Dinurog ng NU-Banco de Oro ang Zambales M-Builders, 83-57, upang wakasan ang unang pagsali sa liga bitbit ang respetadong 5-8 baraha. (AT)

 

Ang mga iskor:

Unang laro

Banco de Oro 83 – Parks 23, Rosario 11, Alolino 11, Perez 8, Khobuntin 8, Roño 7, Neypes 6, Labing-isa 5, Celda 2, Javelona 2, Villamor 0, De Guzman 0.

Derulo Accelero 57 – Corpuz 17, Soyud 11, Morillo 6, Manuel 5, Gingerich 5, Bautista 5, Weirzba 2, Wong 2, Juruena 2, Importante 2, Olondriz 0, Roncal 0, Dilay 0, Eman 0.

Quarterscores: 8-16; 29-28; 54-38; 83-57.

Ikalawang laro         

Blackwater Sports 96 – Cruz 19, Mangahas 16, Ferrer 11, Llagas 11, Bulawan 9, Bagatsing 9, Ciriacruz 8, Austria 6, Suguitan 3, Avillanoza 2, Acibar 2, Pe 0, J. Mangahas 0.

Cebuana Lhuillier 74 – Gamalinda 14, Leynes 10, Sumang 9, Olivares 9, Casajeros 7, Zamar 7, Banal 6, Paredes 4, Noble 2, Javier 2, Flores 2, Bustos 2, Padilla 0.

Quarterscores: 31-13; 51-34; 80-54; 96-74.

Ikatlong laro

Cagayan Valley 78 – Celeda 18, Ighalo 14, Cruz 13, Melano 12, Pinto 11, Mabulac 6, Bringas 2, Foronda 2, Trollano 0, Jamito 0, Collado 0.

NLEX 74 – Adeogun 13, Pascual 13, Alas 10, Ganuelas 8, Raymundo 7, Hermida 6, Pascual R. 5, Dela Rosa 4, Amer 4, Dela Cruz 2, Koga 2, Pascual K. 0, Long 0.

Quarterscores: 19-20; 38-34; 57-57; 78-74.

Show comments