MANILA, Philippines - Posibleng si Ernesto “Estong†Ballesteros, may malaking parte sa four-peat ng Santo Tomas noong 90s, ang susunod na coach ng UST Tigers.
Lumabas ang balitang ito nang opisyal na iniwan ni Pido Jarencio ang UST kahapon matapos pumirma ng two-year contract sa Globalport Batang Pier ni Mikee Romero sa PBA.
Bago nagpaalam sa mga opisyal ng UST para tanggapin ang trabaho sa PBA, inindorso ni Jarencio si Ballesteros na matagal na niyang assistant para pu-malit sa kanya.
“Sabi niya sa akin kahapon in-endorse niya ako na UST coach,†sabi ni Ballesteros patungkol kay Jarencio.
Ngunit hinihintay pa ni Ballesteros ang opisyal na pagtatalaga sa kanya ng mga officials ng UST bago ito pormal na manungkulan bilang coach.
“Hinihintay ko lang ang sasabihin ng mga pari kung ako nga talaga ang kapalit,†ani Ballesteros.