^

PM Sports

Ballesteros bagong coach ng UST Tigers?

JV - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng si Ernesto “Estong” Ballesteros, may malaking parte sa  four-peat ng Santo Tomas noong 90s, ang susunod na coach ng UST Tigers.

Lumabas ang balitang ito nang opisyal na iniwan ni  Pido Jarencio ang UST kahapon matapos pumirma ng two-year contract sa Globalport Batang Pier ni Mikee Romero sa PBA.

Bago nagpaalam sa mga opisyal ng UST para tanggapin ang trabaho sa PBA, inindorso ni Jarencio si Ballesteros na matagal na niyang assistant para pu-malit sa kanya.

“Sabi niya sa akin kahapon in-endorse niya ako na UST coach,” sabi ni Ballesteros  patungkol kay Jarencio.

Ngunit hinihintay pa ni Ballesteros ang opisyal na pagtatalaga sa kanya ng mga officials ng UST bago ito pormal na manungkulan bilang coach.

“Hinihintay ko lang ang sasabihin ng mga pari kung ako nga talaga ang kapalit,” ani Ballesteros. 

 

BALLESTEROS

ERNESTO

ESTONG

GLOBALPORT BATANG PIER

HINIHINTAY

JARENCIO

MIKEE ROMERO

PIDO JARENCIO

SANTO TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with