MANILA, Philippines - Ang mga atleta mula sa iba’t ibang lokal na sports organizations ay nag-relax muna sa Las Farolas Museo kung saan makikita ang iba’t ibang river monsters at sa 21st Fiesta Fair Manila nung nakaraang dalawang linggo.
Ang mga players ng Philippine Basketball Association (PBA), Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP), mga mga atleta, kasama ang kanilang pamilya, ay nagtungo sa dalawang lugar sa magkakahiwalay na okasyon.
Para ma-relax pagkatapos ng isang buong araw na pag-eensayo at laban, ilang players at atleta ang nagtungo sa Las Farolas sa Frontera Drive katabi ng Tiendesitas sa Ortigas Ave., Pasig City kung saan mayroong 50% discount sa entrance fee hanggang Pebrero 20 at nakita nila ang mahigit 3,000 river monsters na galing sa iba’t ibang parte ng daigdig. Ayon kay Henry G. Babiera, isang masugid na environmentalist at pet lover at pinuno ng Moment Philippines na nagpapatakbo ng Las Farolas, isang kakaibang karanasan para sa mga atleta.
Ang ibang atleta ay nagpunta naman sa 21st Fiesta Fair Manila o mas kilala sa taguring Greenhills Shopping Center Tiangge para makapamili sa murang halaga. Ang Tiangge, na hanggang Pebrero 3, ay may 1,400 tindahan.