^

PM Sports

May bagong opisyal ang mga jockey: Programa ng Philracom susuportahan ng mga hinete

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangako ang bagong pamunuan ng samahan ng mga hinete ang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng Philippine Racing Commission (Philracom) para maisaayos ang horse racing sa bansa.

Si Gilbert Francisco ang siyang iniupo bilang bagong pangulo ng New Philippine Jockey’s Association, Inc. (NPJAI) at hinalinhinan niya ang dating pangulo na si Antonio Alcasid Jr.

Ang iba pang opisyales ng samahan ay sina Valentino Dilema bilang vice president, Manolito Daquis bilang se-c-retary, Alcasid bilang treasurer, Redentor de Leon bilang auditor at Herminio Dilema bilang PRO.

Ang mga director ay sina Isaac Ace Aguila, Daniel Camañero, Rey-An Camañero, Edwin dela Cruz, Jonathan Hernandez at Domingo G. Vacal.

Mismong si Philracom chairman Angel L. Castaño, Jr. ang naging inducting officer sa panunumpa na ginawa sa tanggapan ng Philracom.

Sinaksihan ang kaganapan ng mga Commissioners na sina Eduardo Jose, Lyndon Noel Guce at Jesus Cantos na siya ring executive director ng komisyon.

Kinikilala ng Philracom ang mahalagang papel na ginagawa ng mga hinete para maisulong ang inilatag na mga programa na kalinya sa Daang Matuwid ng Pangulong Benigno Aquino III.

Sa pakikipagtulungan ng NPJAI, nananalig ang Komisyon na magpapatuloy na matibay ang kampanya nila na masugpo ang gawain ng tiwaling hinete at mga horse owners na nasasangkot sa perderan ng karera.

Mula noong naupo ang administrasyon ni Castaño ay sinikap ng Philracom na maging agresibo ang kampanya sa laban sa paghuhulog ng karera na ang nabibiktima ay ang maliliit na karerista.

Tiniyak din ni Francisco na ipagpapatuloy niya ang mga programang iniwan ni Alcasid para lalong gumanda ang pamumuhay ng mga nasasakupan. (AT)

ALCASID

ANGEL L

ANTONIO ALCASID JR.

CASTA

DAANG MATUWID

DANIEL CAMA

DOMINGO G

PHILRACOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with