DENVER – Isa na namang dagok ang haharapin ni Danilo Gallinari matapos operahan sa kaliwang tuhod dahil kinailangan siyang operahan uli sa Martes na dahilan para hindi na ito makalaro sa natitirang games ng Denver ngayong season.
Umaasa ang Nuggets na makakalaro na ang kanilang star shooting forward ngunit, “it was recently determined that the procedure that Danilo underwent on his knee this past summer was insufficient,’’ sabi ni Nuggets general manager Tim Connelly sa isang statement.
Ang kanyang left anterior cruciate ligament ay inayos noong Martes ng orthopedic surgeon ng koponan na si Steve Traina.
“Knowing Danilo’s drive and work ethic, we look forward to a full recovery and a healthy return to the court next season,’’ sabi ni Connelly.
Hindi pa nakakalaro si Gallinari, ang Italian sharp-shooter ng Nuggets sa blockbuster Carmelo Anthony trade ilang taon pa lamang ang nakakaraan, matapos magkaproblema sa tuhod sa laro kontra sa Dallas noong April 4. Ang kanyang pagkawala ay isa sa mala-king dahilan ng maagang pagkakasibak ng Denver sa first-round playoffs matapos ang franchise-best na 57-win sa regular season.