RF Torres iginiya ang Grand Game sa panalo sa pista
MANILA, Philippines - Hindi bumitaw ang Grand Game sa hamon ng ibang kalahok upang lumabas bilang pinakadehadong nanalo noong Martes ng gabi sa pista ng Metroturf sa Malvar, Batangas.
Si RF Torres ang dumiskarte sa kabayo sa isang hanÂdicap race 1 na nilagay sa 1,000-metro distansya at nakumpleto ng tambalan ang malakas na panimula tungo sa banderang-tapos na panalo.
Ngunit kinailangan ni Torres na tiyakin na may saÂpat na lakas ang sakay na kabayo dahil mainit rin ang pagdating ng Stellar Ace ni RV Poblacion at natalo lamang ng isang leeg sa meta.
Nakaapekto sa Stellar Ace ang masamang alis sa apaÂrato nang pumaling sa kanan ang kabayo.
Nakabawi man ay sapat na ang naipundar na disÂtanÂsya ng Grand Game na naghatid ng kasiyahan sa mga dehadistang nakiisa sa karera.
Kumabig ng P346.00 dibidendo ang win ng Grand Game pero ang mas maganda ay ang dibidendo sa 1-2 forecast na nasa P2,395.00 dibidendo.
Nakitaan din ng magandang takbo ang Masaganang Ani na dinomina ang handicap race two sa pagÂdaÂdala ni EL Blancaflor.
Sa unang kurbada lamang nakapagpakita ang mga nakalaban dahil matapos nito ay umalagwa na ang Masaganang Ani tungo sa anim na dipang panalo sa Bliss.
Nagpamahagi ang win ng P31.50 habang P163.00 ang dibidendo sa 6-5 forecast.
Kuminang ang takbo ng Remus na siyang lumabas bilang pinakaliyamadong kabayo na nanalo sa gabi.
Dominado ng Remus ang labanan at nagawa ni jockey Jessie Guce na maisantabi ang malakas na hamon ng Flight Attendant tungo sa panalo sa handicap race 1A.
May kinabig na P6.50 ang mga nanalig sa lakas ng Remus habang nasa P12.00 ang ibinigay sa 3-5 forecast. (ATAN)
- Latest