Blackwater kailangan ng panalo para makapasok sa quarterfinal round

MANILA, Philippines - Nahaharap sa ‘must-win situation’ nga­yon ang Blackwater Sports pa­ra manatiling buhay ang kampanya sa kasaluku­yang PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon Ci­ty.

May dalawang sunod na talo, katunggali ng Elite ang Café France sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali at ka­ilangang manumbalik ang dating tikas ng bataan ni head coach Leo Isaac pa­ra hindi mamaalam ka­agad sa liga.

Ang Bakers at Elite na lamang ang nagtatagisan para sa ikaanim at huling puwesto na aabante sa quarterfinals.

Sa ngayon ay ang Ba­kers ang may tangan sa mahalagang puwesto sa 7-4 baraha at kung tatalu­nin nila ang Elite ay sila na ang makakasama sa quarterfinal round ng Big Chill, NLEX, Jumbo Plas­tic, Hog’s Breath at Cagayan Valley na mag­pa­patuloy ang laban para sa titulo ng liga.

Ngunit kung ang Elite ang makalusot, makakatabla nila ang Bakers sa 7-5 baraha at may bentahe na dahil ‘winner-over-the-other’  ang gagamitin sakaling magtabla ang da­lawa matapos ang 13 laro sa elims.

Durog ang Elite sa kamay ng NLEX at Hog’s Breath Café sa huling dalawang laro pero tiwala si Isaac na kaya pang bu­mawi ang koponang sinilat ang Road Warriors para sa Foundation Cup title.

“Tiwala ako sa mga pla­yers ko. Alam nila ang sitwasyon at ang maganda lamang ay hawak pa namin ang aming desti­ny,” wika ni Isaac.

Ang Cebuana Lhuillier at ang NU-Banco De Oro ay magpapang-abot naman sa ikalawang laro sa alas-2 ng hapon.

Ang laban ng dala­wang koponan ay pawang ‘no-bearing.

Sa alas-4 ay maglalaban ang NLEX at ang Derulo Accelero.

Paborito ang Road Warriors na  masungkit ang ika-pitong sunod na panalo laban sa Oilers na may isang panalo lamang matapos ang 11 laro sa torneo.

Kung mapapangata­wanan ng NLEX ang pa­giging paboritong kopo­nan ay matatablahan na nila ang pahingang Big Chill na may 10-1 karta. 

(ATan)

Show comments