Wolves nilapa ang Jazz; Thunder wagi sa Blazers

SALT LAKE CITY -- Hinakot ni Kevin Love ang kanyang ika-4,000 ca­reer rebound at tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Utah Jazz, 112-97.

Tumapos si Love na may 19 points at 13 boards  para sa tagumpay ng Timberwolves kontra sa Jazz.

Ngunit naging madugo ang naturang laban.

Nawala sa laro si Ale­xey Shved dahil sa na­basag niyang ilong, sa­mantalang nahiwa naman ang daliri ni Kevin Mar­tin.

“It’s crazy. I can’t re­member two people bleeding like that in the same game,” wika ni Nikola Pekovic, kumo­lekta ng 18 points at 9 re­bounds.

Si Love ang nangu­nguna sa liga sa pagkaka­roon niya ng 35 double-doubles, ngunit ang team­work ang mas pina­ha­lagahan niya.

Naglista naman si point guard Ricky Rubio ng 11 points at 13 assists para sa Timberwolves na winakasan ang kanilang seven-game losing slump sa Utah.

Nagdagdag si Corey Bre­wer ng 19 points ka­su­nod ang 18 ni Martin pa­ra sa Minnesota.

Sa tuwing makakala­pit ang Jazz sa fourth quarter ay umiiskor naman si guard J.J. Barea, nag­poste ng 15 points, pa­ra muling ilayo ang Tim­berwolves.

Umiskor si Gordon Hay­ward ng 27 points ma­tapos ang isang five-game absence para pa­ngu­nahan ang Utah.

Sa Oklahoma City, nag­handa ang Portland Trail Blazers sa atake ni Kevin Durant.

Ngunit nabigo pa rin silang pigilin ang kamador ng Thunder.

Humugot ang 6-foot-9 forward ng 11 sa kanyang 46 points sa huling 3:23 minuto sa fourth quarter para pagbidahan ang 105-97 paggiba ng Oklahoma City sa Portland.

Ito ang pang-walong su­nod na laro na umiskor si Durant ng 30 points.

 Nagdagdag si Reggie Jackson ng 15 points para sa Thunder (32-10) na lumamang sa Trail Blazers sa Northwest Division.

May 9-5 record nga­yon ang Oklahoma City mula nang magkaroon ng surgery sa tuhod si point guard Russell Westbrook.

Humakot si LaMarcus Aldridge ng 29 points at 16 rebounds para bande­rahan ang Portland.

Show comments