Junior athletes pararangalan sa 2013 PSA Annual Awards

MANILA, Philippines - Ang mga gold meda­lists sa nakaraang 7th Asian Junior Wushu Cham­pionships at ang mga par busters na nagwa­gi sa kani-kanilang mga age group events sa Junior World Golf Championships ang grupo ng mga To­ny Siddayao awardees na bibigyan ng para­ngal sa Philippine Sportswri­ters Association (PSA) An­­nual Awards Night sa Sa­­bado sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Pangungunahan ni Ken Alieson Omengan ang mga Filipino wushu bets, habang sina Pauline Beatriz Del Rosario at Kristoffer Arevalo ang ba­bandera sa 10-man list na hihirangin ng pinakama­tandang media organization sa event na inihahandog ng Milo at ng Air21 bilang major sponsor.

Ibinibigay sa mga atletang may edad 15-anyos pa­baba na nagwagi sa ka­ni-kanilang mga events, ang award ay ipinangalan sa namayapang si sports edi­tor Tony Siddayao, ikinukunsidera bilang ‘Dean of Philippine sports wri­ting’ na namatay noong 1996.

Maliban kay Ome­ngan, ang iba pang kumu­ha ng gintong medalya sa 2013 Asian junior cham­pionships ay sina John­zenth Ga­­­jo, Vanessa Jo Chan at Aga­­tha Chrysten­zen Wong pati na ang eight-man exhi­bition team.

Ipinagbunyi naman si­na Del Rosario at Arevalo sa World Jungolf matapos manaig sa girls’ at boys’ 13-14 age bracket.

Pararangalan rin si Lou Daniella Uy na na­mu­no sa Team Philippines kon­tra sa Thailand sa girls’ 15-17 team championship katulong si Princess Mary Superal.

Ang kukumpleto sa Siddayao Awards na ibibigay ng PSA sa awards night katuwang ang Smart Sports, Phi­lippine Sports Commis­sion, Senator Chiz Escudero, Philippine Bas­ketball As­so­cia­tion, Philippine Chari­ty Sweepstakes Office, Phi­lippine Amuse­ment and Gaming Corporation, Rain or Shine, Globalport, SM Prime Holdings, ICTSI-Philippine Golf Tour at Accel at 3XVI ay sina chess whiz Alekhine Nouri at Mark Reggie ‘Moy­moy’ Flores sa mo­to­cross.

Kabilang sa mga na­big­yan na ng naturang award ay sina Grandmaster Wesley So, basketball star Jeron Teng, boxer Eumir Marcial at badminton netter Markie Alcala.

Kasama ang 10-man Sid­dayao awardees, kabu­uang 123 personalities at entities ay kabilang sa PSA honor roll list na pi­namunuan ng Gilas Pilipinas basketball team na hinirang na Athlete of the Year.

Ang naturang annual event na isinasaere ng long-time PSA partner na DZSR Sports Radio 918 ay magtatampok rin sa mga naunang kinilalang Athlete of the Year awar­dees.

Show comments