SEA Games gold medalists, iba pa bibigyan ng citation sa 2013 PSA Annual Awards

MANILA, Philippines - Pangungunahan ng mga gold medal winners sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar ang listahan ng mga personalities at entities na bibigyan ng parangal ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa gagawing Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel ngayong Sabado.

Sa pangunguna nina golfer Princess Mary Superal at trackster Archand Christian Bagsit, bibigyan ng citation ang mga gold medal winners, ng pinakamatandang  media organization ng bansa sa formal affair na handog ng Milo katulong ang Air21 bilang major sponsor, sa kanilang kabayanihan sa Nay Pyi Taw sa likod ng mabigat na ha-mon na hinarap ng Philippine delegation.

Sina Superal (indi-vidual at team event) at Bagsit (400-m and 4x400-m relay) ang ta-nging mga double gold medalists sa 208-kataong PH contingent.

May 27 pang bibigyan ng citations sa gabi ng parangal na idaraos sa tulong ng Smart Sports, Philippine Sports Commission, Globalport, Se-nator Chiz Escudero, Rain or Shine, Philippine Basketball Association, SM Prime Holdings, Accel at 3XVI, Philippine Charity Sweepstakes Office, ICTSI-Philippine Golf Tour at Philippine Amusement and Gaming Corp.

Ang program proper starts ay magsisimula sa alas-7:30 ng gabi kung saan sina sports co-lumnist at broadcaster Quinito Henson, kasama si Patricia Bermudez Hizon ang hosts ng event na maririnig ng live sa longtime PSA partner na DZSR Sports Radio 918.

Ang iba pang bibigyan ng citation ay ang PH U16 basketball team, PH U18 3x3 basketball team, NU Bullpups, San Beda Red Cubs, San Miguel Beermen, PSC, sina  Treat Huey, Erik Spoelstra, Tim Cone, Kobe Paras, Jason Day, Dottie Ardina, PH Putra Cup team, Irish Valenzuela at Eumir Felix Marcial.

Ang kukumpleto ng listahan ay sina Kenneth San Andres, Michael Christian Martinez, Mike Barredo, Gerald Jamili and Cherry Clarice Parcon, Jennyrose Rosales, Meldion Piñon, Noel Alabata, Air21, PCSO, Cebuana Lhuillier, Cesafi, Cagayan Province at Numeriano Titong, ang unang nanalo ng National Milo Marathon.

Sa kabuuan, 123 ang kasama sa 2013 PSA ho-nor roll list sa pangunguna ng Gilas Pilipinas basketball team ni coach Chot Reyes na gagawaran ng Athlete of the Year trophy.

Naipamahagi na ang mga invitations para sa awards rite ngunit para sa mga hindi pa nakakatanggap ay maaari ninyo itong makuha sa registration area ng Centennial Hall.

Iniimbitahan din ang mga dating PSA Athlete of the Year na dumalo.

 

Show comments