MANILA, Philippines - Iuusad pa ng NLEX ang kanilang paa patungo sa semifinals sa pagpapa-tuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Arellano Gym.
Kalaro ng Road Warriors ang Cebuana Lhuillier na siyang tampok na laro ay magsisimula matapos ang tagisan ng Cagayan Valley at NU-Banco de Oro sa ganap na ika-2 ng hapon.
Mahigit isang buwan na napahinga ang Rising Suns dahil huling laro nila ay nangyari noon pang Disyembre 9 at tinalo nila ang Jumbo Plastic, 82-78.
Dapat na hindi maapek-tuhan ng mahabang pahi-nga ang kalidad ng pagla-laro ng tropa ni coach Alvin Pua dahil nakaumang sa kanila ang ikawalong panalo matapos ang 11 laro na magtutulak sa koponan para makasalo sa pahi-ngang Hog’s Breath Café sa ikaapat at limang puwesto.
May limang sunod na panalo ang tropa ni coach Boyet Fernandez at apat dito ay nangyari sa pagpasok ng 2014.
Walang patawad ang opensa na ipinakikita ng Road Warriors dahil ang kanilang winning margin ay nasa 19.2 puntos.
Hindi naman nagkukumpiyansa si Fernandez lalo pa’t hindi pa nila tiyak ang asam na malagay sa unang dalawang puwesto na awtomatikong aabante sa Final Four.
Sa kabilang banda, hangad ng Gems na buma-ngon matapos ang 70-82 kabiguan sa Giants noong Enero 16.
May 4-5 baraha ang bataan ni coach David Zamar at mahalaga na manumbalik ang tikas ng kanilang laro para manatiling palaban para sa puwesto sa quarterfinals.
Kailangan nilang maipanalo ang nalalabing apat na laro para magkaroon ng tsansang makaiwas sa maagang bakasyon.
Ang anim na mangu-ngunang koponan ay magpapatuloy ng kampanya para sa titulo at ang mga teams na kukuha sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto ay sasailalim sa crossover quarterfinals na kung saan ang numbers three at four ay may mahalagang twice-to-beat advantage.