Philracom mag-iimbestiga ukol sa pagkansela ng karera noong Biyernes

MANILA, Philippines - Isang imbestigasyon ang gagawin ng Philippine Ra­cing Commission (Philracom) upang alamin ang tu­nay na kadahilanan sa biglaang pagkansela sa karera noong Biyernes sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Lumabas na nagkaproblema ang video coverage ng ikatlong racing club sa bansa dahilan upang mag­de­sisyon ang pamunuan na huwag ng ituloy ang siyam na karera na nakahanay sanang maganap.

“The Commission has invited MMTCI management and technical head to explain the nature of tech­ni­cal defect,” pahayag ni Philracom Commissioner at Exe­cutive Director Jess Cantos.

Milyong piso ang nawala sa kita sa horse racing da­­hil sa di inaasahang kanselasyon ng karera.

Bumanat sa social media ang mga kareristang naa­pek­tuhan at inilabas nila ang panghihinayang sa panahon na iginugol sa mga off-track-betting stations dahil hin­di agad sinabi na cancel ang karera.

Ang karamihan ay nagreklamo da­hil hirap sa pag-refund sa taya na nauna nang ipi­na­sok sa  mga tellers.

Samantala, gagawi ngayong hapon ang labanan sa hanay ng mga three-year old colts sa pagtatapos ng pista sa race track na pag-aari ng Manila Jockey Club Inc.

Limang kabayo ang maglalaban-laban sa distansyang 1,500-metro ng nasabing karera at ang mga ito at ang kanilang mga hinete ay ang Fairy Star (Pat Di­lema), Surplus King (JB  Guce), Castle Cat (CV Gar­ganta), King Bull (JB Her­nandez) at Low Profile (MA Alvarez).

 

Show comments