^

PM Sports

Lakers diniskaril ang pagbabalik sa aksyon ni Rondo sa Celtics

Pang-masa

BOSTON -- Hindi ito ang Boston Celtics na iniwan ni Rajon Rondo ng halos isang taon.

Hindi nasasalo ang kanyang magagandang pasa, wa­la rin ang depensang nagpanalo sa prangkisa no­ong 2008.

Nangailangan ng puntos sa huling mga segundo ng laro, wala nang naging ibang opsyon si Rondo kun­di ang kanyang sarili.

Nagbalik si Rondo mula sa isang knee injury at nai­mintis ang kanyang 3-pointer na nagdala sana sa Cel­tics sa overtime na nagresulta sa kanilang 104-107 pag­yukod sa Los Angeles Lakers.

“I thought he made a lot of plays down the stretch,” sa­bi ni Celtics coach Brad Stevens sa kanyang All-Star point guard. “Just came up a little bit short. But I was glad he had the ball.”

Humakot si Pau Gasol ng 24 points at 13 rebounds para sa Los Angeles at nagdagdag si Kendall Marshall ng 19 points at 14 assists, kasama dito ang isang 3-pointer sa huling 69 segundo na nagbigay sa Lakers ng kanilang unang kalamangan sa second half.

Umiskor naman si Ryan Kelly ng 20 points at nag­lista si Wesley Johnson ng 11 points at 11 rebounds.

Tinapos ng Lakers ang kanilang six-game losing slump.

Umiskor si Kelly Olynyk ng career-high na 25 points para sa Boston, habang may 8 markers, 4 assists at 2 rebounds si Rondo na naglaro sa loob ng 20 mi­nuto.

Naimintis ng Celtics ang kanilang huling pitong ti­ra na nagbigay sa Lakers ng 11 points, kasama ang tat­long sunod na 3-pointers.

 

BOSTON CELTICS

BRAD STEVENS

BUT I

KELLY OLYNYK

KENDALL MARSHALL

LOS ANGELES

LOS ANGELES LAKERS

PAU GASOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with