Mayweather magreretiro na?

MANILA, Philippines - Ito na nga ba ang ma­giging huling taon ni Floyd Mayweather Jr. sa lo­ob ng boxing ring?

Sa isang gala dinner sa South Africa ay binang­git ng 36-anyos na si May­we­a­ther na naalala niya ang kanyang unang laban nang siya ay bata pa no­ong 1987, at sinabing “September 2015 will be my last.”

Nauna nang sinabi ni Mayweather (45-0-0, 26 KOs) matapos talunin si Ca­nelo Alvarez noong Set­yembre ng 2013 na may­roon pa siyang gagawing apat na laban sa susunod na dalawang taon.

Ang susunod na laban ng American five-division titlist na si Mayweather ay sa Mayo.

Ang dalawa sa mga iki­nukunsidera ay sina Bri­tish fighter Amir Khan at Argentine Marcos Mai­dana.

Sinabi ni Mayweather na wala sa kanyang lista­han si Filipino world eight-division champion Man­ny Pacquiao (55-5-6, 38 KOs).

Ayon kay Maywea­ther, gusto lamang ni Pacquiao na maresolbahan ang kanyang problema sa buwis sa Bureau of In­ternal Revenue (BIR) sa Pilipinas at sa Internal Re­venue Service (IRS).

Inihayag ng BIR na nag­bayad na si Pacquiao ng P32 milyon mula sa at­raso niyang P2.2 bilyon.

Tatlong beses bumagsak ang negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather su­per fight dahil na rin sa ilang isyu.

Matapos matalo kina Ti­mothy Bradley, Jr. (31-0-0, 12 KOs) at Juan Ma­nuel Marquez (55-7-1, 40 KOs) noong Hunyo 9 at Disyembre 8, 2012, ayon sa pagkakasunod, ay bumalik si Pacquiao sa eksena at dinomina si Bran­don ‘Bam Bam’ Rios sa loob ng 12 rounds sa ka­nilang non-title, wel­ter­weight fight noong Nob­yembre 24, 2013 sa Ma­cau, Chi­na.

Hanggang ngayon ay wala pang inihahayag na susunod na lalabanan ni Pacquiao.

 

Show comments