MANILA, Philippines - Hindi pa rin natitinag si Ruben Tupas bilang pinakamahusay na horse trainer ng bansa.
Ito ay matapos pa-ngunahan uli ni Tupas ang kanyang hanay noong 2013 ngunit nagpaparamdam din si DR dela Cruz matapos kunin ang panga-lawang puwesto sa talaan.
Pumalo sa halagang P3,524,932.38 ang prem-yong naiuwi ni Tupas noong nakaraang taon nang manalo ang mga sinanay na kabayo sa 155 karera. May 139 ang pumangalawa, 152 ang pumangatlo at 118 ang pumang-apat para sa kanyang isa na namang mabungang taon bilang isa sa nirerespetong trainer.
Nakuha naman ni Dela Cruz ang pangunguna kung bilang ng panalo ng mga sinanay na kabayo ang pag-uusapan matapos magtala ng 171 unang puwestong pagtatapos.
Isama pa ang 160 kabayo na pumangalawa bukod sa 151 pumangatlo at 139 pumang-apat, si Dela Cruz ay kumabig ng P2,818,889.96 premyo.
May 12 trainers pa ang nagkaroon ng mahigpit na P1 milyong premyo at kasama sa talaan ang nanguna sa hanay ng mga horse owners na si Hermie Esguerra.
Umani ng P1,187,041.47 premyo si Esguerra sa 54-34-16-28 karta para malagay sa ika-11th puwesto.
Bilang isang horse owner, si Esguerra ay nagkamal ng P12,728,062.08 premyo.
Sina JA Lapus at Eduar-do Gonzales ay nasama rin sa talaan at si Lapus ang nasa ikalimang puwesto sa P1,602,732.02 mula sa 73-100-116-114 karta at si Gonzales ay nasa ika-13 puwesto sa P1,077,485.32 mula sa 67-63-59-51 karta.
Si RR Yamco ang pumangatlo sa talaan bitbit ang P1,895,596.36 (102-110-106-87) habang nakadikit sa ikaapat na puwesto si Conrado Vicente sa P1,873,758.74 (101-90-90-80).
Si Danilo Sordan ang nasa ikaanim na puwesto sa premyong P1,557,171.90 (103-82-62-41), si JC Sordan ang nasa ikapitong puwesto sa P1,474,812.71 (96-69-63-78), si RR Henson ang nasa ikawalong puwesto sa P1,425,669.16 (80-83-76-67), si MM Vicente ang nasa ikasiyam sa P1,206,690.63 (74-75-85-83) at si JC Pabilic ang kukumpleto sa unang sampung puwesto sa P1,196,499.13 (78-72-52-50).
Si AC Sordan Jr (P1,174,485.39) at PC Sanchez Jr. (P1,006,562.88) ang kukumpleto sa mga trainers na naging milyonaryo noong nakaraang taon. (AT)