NU volleybelles walang balak bumitiw sa No. 2 spot

TEAM    W            L

La Salle                 7              0

NU                         6              1

Ateneo                 5              2

FEU       4              3

Adamson             3              4

UST                        2              5

UP                          1              6

UE                          0              7

 

Laro NGAYON

(The Arena, San Juan City)

8 a.m. – Univ. of the East

vs Santo Tomas U. (Men)

10 a.m. – Far Eastern

vs Adamson (Men)

2 p.m. – Univ. of the East

vs Santo Tomas U. (Women)

4 p.m. – National U. vs

 Far Eastern U. (Women)

 

MANILA, Philippines - Mapanatili ang hawak sa ikalawang puwesto ang gagawin ng National University habang wakasan ang apat na sunod na kabiguan ang target ng UST sa 76th UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na ika-4 ng hapon itinakda ang laban ng Lady Bulldogs kontra sa FEU habang unang sasalang sa ganap na ika-2 ng hapon ay ang Lady Tigresses at UE.

Winalis ng La Salle ang first round (7-0) habang ang NU ang ikalawang mainit na koponan sa liga sa apat na sunod na panalo para angkinin ang ikalawang puwesto sa 6-1 karta.

Nagsimula ang winning streak ng Lady Bulldogs sa laro laban sa Lady Tamaraws sa inilistang 3-0 straight sets panalo.

Hindi naman makakatiyak na madaling laban ito dahil ang Lady Tamaraws ay nanalo sa kanilang huling dalawang laro para kunin ang ikaapat na puwesto sa 4-3 baraha.

Mas malalaki ang NU sa pangunguna nina Dindin at Jaja Santiago pero inspirado ang paglalaro nina Geneveve Casugod at Remy Palma para lumakas ang tsansang makasilat ang Lady Tamaraws.

Sa straight sets din nanalo ang UST sa UE at kailangang maduplika nila ito para pag-initin ang nanlalamig na kampanya na kung saan ang koponan ay nasa ikaanim na puwesto sa 2-5 karta.

Ang matikman ang kauna-unahang panalo ang magpapainit naman sa laro ng Amazons. (AT)

Show comments