MANILA, Philippines - Hindi lamang sa sports kungdi sa iba pang bagay ang pagtulong na gagawin ng Olympic Council of Asia (OCA) sa Pilipinas.
Lumagda ang OCA president Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah ng Kuwait at Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco Jr, sa isang Memorandum of Agreement para magkasama sa pagpapayabong ng agrikultura.
Pagtutuunan ng programa ang mga magsasaka na nabiktima ng super typhoon Yolanda sa Leyte at Tacloban at ito ay tutustusan sa pamamagitan ng Kuwait-Philippines Peace and Development Foundation na itinatag ni Al-Sabah.
“This project is the best opportunity for us to provide a good environment for the people after Haiyan (Yolanda),†wika ni Al-Sabah sa briefing na ginawa sa Hotel Sofitel.
“We can help in the recovery by providing this environment for the farmers. This is a very good opportunity for our people to show our friendship. For that I want to show my gratitude and my thanks,†dagdag nito.
Ang Kuwait ay nauna ng nagbigay ng US$10 mil-yon para itulong sa pagbangon ng Tacloban na sentro ng bagyong Yolanda noong Nobyembre.
Bago ito ay naihayag din ni Sheikh sa pakiki-pagpulong kay Pangulong Benigno Aquino III noong Huwebes ang kahandaan ng OCA na tumulong sa pagkumpuni sa mga nasirang sports facilities sa Tac-loban at Leyte.
Matagal na umanong napag-uusapan nina Al-Sabah at Cojuangco ang bagay na ito dahil nakikita ng POC president na makakatulong ito para mabigyan ng hanap-buhay ang mga nabiktima.
“We’re hoping that this program will be able to help primarily the people, the farmers in Samar and Leyte affected by Typhoon Yolanda. The Sheikh and I have agreed to help each other out in this particular endeavor. It’s not just about rebuilding the area but providing livelihood for the people,†paliwanag ni Cojuangco.
Nasa bansa ang mga opisyales at mga miyembro ng OCA dahil sa dalawang araw na pagpupulong. (AT)