MANILA, Philippines - Iginiit uli ni Olympic Council of Asia (OCA) pre-sident Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah ng Kuwait ang pagsuporta sa ginagawang pagbangon ng mga biktima ng super typhoon Yolanda noong nakaraang Nobyembre.
Ginawa ito ni Al-Sabah matapos makaharap si Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang kahapon ng hapon.
Ang pagpupulong ay nagtagal sa loob ng 30 minuto at nakasama ni Al-Sabah sina POC president at tiyuhin ng Pangulong Aquino na si Jose Cojuangco Jr., OCA director general Husain Al-Musaillam ng Kuwait at International Olympic Committee (IOC) vice president John Coates ng Australia.
“We the whole sports society not only in Asia but internationally is looking to help with the recovery from the crisis especially in the part of sports facilities,†wika ni Shiek na naunang nagbigay ng $10 mil-yong tulong para sa mga biktima ng Yolanda.
Nagpahayag din siya ng paniniwala na nalalapit na ang pagbangon uli ng Pilipinas lalo pa’t dito isasagawa ang OCA Executive Board meeting at General Assembly mula ngayon hanggang bukas sa Hotel Sofitel at Philippine International Convention Center.
“We were very keen to hold it here to show our unity, solidarity and be the signal to all over the world that the Philippines and Manila is a secure area. And tourism can be here any moment because the recovery is doing well and Manila is always welcoming visitors from around the world,†dagdag ng 50-anyos na OCA head.
Tinatayang mahigit na 400 delegado ang darating para sa pagpupulong at gagamitin din ni Cojuangco ang pagkakataon para makapagpasok ng negosyo sa bansa sa pag-imbita sa malalaking negosyante sa pagtitipon.
Habang nakasentro ang pagbisita ng mga dayuhang sports officials sa pagpupulong, isa rin sa kinasasabikan ay ang Asian Games Centennial Celebration bilang paggunita ng pagkakatatag sa bansa ng Asian Games na unang nakilala bilang Far Eastern Games noong 1913.