LOS ANGELES -- May 4:30 minuto na lang ang natitirang oras sa laro at natambakan na ng 17 puntos, may dahilan ang LA Clippers para sumuko.
Ngunit sa kanilang huddle, sinabi ni head coach Doc Rivers sa mga players na magtiwala sa kanilang sarili.
Ang resulta nito ay ang 129-127 panalo ng Clippers kontra sa Dallas Mavericks.
Umiskor si J.J. Redick ng career-high na 33 points, habang nagdagdag si Matt Barnes ng 25 kasunod ang 23 ni Blake Griffin at 16 ni Jamal Crawford, kasama dito ang dalawang free throws na nagbigay sa Clippers ng bentahe sa hu-ling 11 segundo.
Pinaganda ng Clippers ang kanilang record sa 18-3 sa kanilang homecourt at inangkin ang kanilang ikaapat na sunod na panalo.
“We locked in,’’ sabi ni Griffin. “We made the plays down the stretch, they tightened up and got a little too comfortable.’’
Nagtala si Dirk Nowitz-ki ng 27 points at naglista si Samuel Dalembert ng season-high na 20 markers para sa Mavericks.
Kinuha ng Mavericks ang 123-106 kalamangan na hinabol ng Clippers.
Ang pang-pitong tres ni Redick sa huling 34 segundo ang nagdikit sa Clippers sa 126-127.