Grizzlies sinilat ang Thunder sa pagbabalik ni Gasol
MEMPHIS, Tennessee – Ipinagdiwang ng Memphis Grizzlies ang pagbabalik ni Marc Gasol sa pamamagitan ng tagumpay laban sa mainit na koponan ng liga at isa sa kanilang mahigpit na kalaban.
Umiskor si Courtney Lee ng season-high na 24 points, kabilang ang free throws at tinalo ng Grizzlies ang Oklahoma City Thunder, 90-87 nitong Huwebes ng gabi sa unang laro ni Gasol matapos mawala ng halos 8-linggo.
Bagama’t si Lee ang nagdala sa opensa ng Memphis sa kaagahan ng laban, pinag-usapan ang pagbabalik ni Gasol, ang reigning Defensive Player of the Year na hindi nakalaro ng 23 games dahil sa injury sa kaliwang tuhod.
Ang 7-foot-1 center ay lumaro ng 24 minutes at tumapos ng 12 points.
“Everybody is excited, especially for him,†sabi ni guard Mike Conley na may 19 points at seven assists sa ikatlong sunod na tagumpay ng Memphis. “He’s been itching to get out there forever, and I thought he did great. It gave us a good boost.â€
Pinalakpakan ng Memphis crowd si Gasol na hindi sinasabi kung kailan babalik at bigla na lamang in-announce ang kanyang pangalan bilang starter bago magsimula ang laro.
Ayon kay Gasol, kinilabutan siya nang marinig ang hiyawan ng mga tao at nagbalik ang pakiramdam nang siya ay rookie pa lamang. Sinabi rin ni Gasol na wala siyang naramdamang masakit sa kanyang tuhod ngunit ang kanyang suot na brace ay nakakaasiwa.
“It felt really good, especially since we got the win,†ani Gasol. “That makes everything worth it.â€
Nagtala si Zach Randolph ng 23 points at 13 rebounds sa gabi ng pagbabalik ng kanyang partner.
Pinangunahan ni Ke-vin Durant ang Thunder sa kanyang 37 points (15 of 28). Si Reggie Jackson ay umiskor ng 17, ngunit siya ang may sala ng 19 turnovers ng Thunder.
- Latest