Spurs nahirapan laban sa Pelicans
NEW ORLEANS -- Kinumpleto ni Tony Parker ang 27-point performance sa pamamagitan ng ilang clutch layups sa huling maiinit na minuto ng labanan nang igupo ng San Antonio ang New Orleans, 101-95 para sa kanilang ikalimang sunod na panalo.
Umiskor si Tim Duncan ng 18 points bago ma- foul out sa huling 6:02 minuto ng laro sa naging matensiyong labanan sa pagitan ng Western Conference-leading team na Spurs at ang nalagay sa alanganing Pelicans na natalo ng anim na sunod sapul nang ma-injury ang kanilang leading scorer na si Ryan Anderson.
Nagdagdag si Manu Ginobili ng 14 points, si Kawhi Leonard ay may 13 habang si Marco Belinelli ay may 12 para sa San Antonio.
Nagposte naman si Anthony Davis ng 22 points at 11 rebounds at siya ang nagbigay sa New Orleans ng kanilang huling kalamangan sa 87-86 may 7:08 minuto na lamang. Si Brian Roberts, naging starting point guard kapalit ng may injury na si Jrue Holiday, ay umiskor ng19.
Sa Toronto, umiskor si Kyle Lowry ng 23 points habang nagtala si Jonas Valanciunas ng 17 points at 10 rebounds nang ipalasap ng Toronto sa Milwaukee ang ikaanim na sunod na talo, 116-94.
Nagdagdag si DeMar DeRozan ng 19 points at si Patrick Patterson ay may 18 nang manalo ang Toronto ng walo sa huli nilang 9-game.
Tinapos ng Atlantic Division leaders ang five-game home loss kontra sa Bucks na kanilang tinalo sa Toronto sa unang pagkakataon sapul noong Jan. 22, 2010.
Ang panalo ay nagbigay sa Toronto ng five-game home winning streak.
Nagtala si Ersan Ilya-sova ng season-high na 27 points para sa Bucks, wala pang panalo sapul nang igupo ang Lakers sa Los Angeles noong bisperas ng Bagong Taon.
- Latest