NLEX hiniya ang Café France
MANILA, Philippines - Sinira ng NLEX ang pagiging number one defensive team sa liga ng Café France sa 93-68 pangingibabaw sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO gym sa Cubao, Quezon City.
May siyam na puntos si Garvo Lanete at hindi siya sumablay sa apat na buslo para bigyan ang Road Warriors ng 69-49 kalamangan.
Ito ang ikatlong sunod na laro ng tropa ni coach Boyet Fernandez sa taong ito at hindi pa sila natatalo para palawigin din ang winning streak sa apat na sunod tungo sa 7-1 baraha.
“This win will give us confidence going into our game against Blackwater Sports on Thursday,†ani Fernandez.
Tumapos si Lanete bitbit ang 20 puntos habang sina Kirk Long at Ronald Pascual ay may 13 at 11 puntos.
Nagwakas ang apat na dikit na panalo ng Bakers at bumitiw sila sa pakikisalo sa Cagayan Valley sa mahalagang ikalima at anim na puwesto sa 7-4 baraha.
Pinanatili pa ng Cebuana Lhuillier ang paghahabol na makaiwas sa maagang bakasyon nang durugin ang Arellano University-Air21, 89-71, habang kinuha ng NU-Banco de Oro ang ikalawang panalo nang mau-ngusan ang Wang’s Basketball, 83-81.
Naipasok ni Dennice Villamor ang tres sa huling segundo upang magkaroon pa ng kinang ang no-bearing game dahil parehong talsik na ang Bulldogs at Couriers.
Kailangang maipanalo ng Gems ang huling limang laro para gumanda ang paghahangad ng puwesto sa quarterfinals.
- Latest