MANILA, Philippines - Itinanghal ang Dusty Jewel bilang kauna-unaÂhang kabayo na nakakuha ng panalo sa gaganaping PhiÂlippine Racing ComÂmisÂsion-sponsored race nang dominahin ang PhilÂraÂÂcom Charity Special Race kahapon sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.
Mahusay na ikinondisÂyon ang kabayong sinakÂyan ni Reynaldo Nio, Jr. nang pakainin ng alikaÂbok ng tambalan ang mga naÂkaÂlaban sa 1,400-metrong tampok na kaÂrera.
Nagsumite ang Dusty Jewel ng 1:25.8 (13, 22’, 23, 27) winning time para kunin din ang P180,000.00 mula sa P300,000.00 kabuuang premÂyo na inilaan ng PhilÂraÂcom sa karerang inialay sa volunteers sa scholars ng Center for Disaster and EmerÂgency Management (CDEM) Inc.
Nakasabayan ng DusÂty Jewel sa alisan ang PriÂvate Thoughts, Great WalÂda at Rose Blush.
Pero maÂtapos lamang ang unang kurbada ay nagÂsimulang iwanan ng tatÂlong taong colt ang mga kaÂtunggali.
Sa rekta ay lalo pang tuÂmulin ang kabayong may lahing Warrior Song at Shining Diamond.
Nanalo ang kabayo ng mahigit na pitong agwat sa kalaban.
Ang labanan sa pangaÂlawang puwesto ang siÂyang mainitang pinagÂlabanan at matapos ang phoÂto finish ay nakita na naÂkaangat ng bahagya ang Sharp Look ni LF De JeÂsus sa Great Walda na diÂniskartehan ni Jessie GuÂce.
Halagang P67,500.00 ang napunta sa Sharp Look na humabol mula sa bugaw sa alisan.
Ang Great Walda ay nag-uwi ng P37,500.00.
Ang Private Thoughts ni NK Calingasan ang kumumpleto sa datingan at maiÂbulsa ang P15,000.00 premÂyo.
Itinalaga bilang patok ang Dusty Jewel maÂÂtapos kumabig ng P171,992.00 benta mula sa P419,935.00 sa Daily Double, habang ang seÂcond choice sa taÂlaan ang Sharp Look sa P77,515.00 sales.
Pero dahil dikit-dikit ang bentahan ng limang kaÂÂbayo, nagpamahagi pa ang win ng Dusty Jewel ng P8.50, habang ang 3-5 forecast ay may P25.50 dibidendo.
Magsisimula ang pista sa linggong ito sa San LaÂzaro Leisure Park sa Carmona, Cavite na may baÂlansyadong handicapping sa mga maglalaban-laban.