MANILA, Philippines - Patitibayin pa ng NLEX Road Warriors ang kanilang laban para sa awtomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Aspirant’s Cup sa pagsukat sa mainit ding Café France ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
May 6-1 baraha ang Road Warriors, kasama ang tatlong sunod na paÂÂnalo at kung madugtuÂngan pa ito ay lalakas ang kapit sa ikalawang puÂwesto kasunod ng pahiÂngang Big Chill na may 10-1 baraha.
Ang laro ay matutungÂhayan sa ganap na alas-2 ng hapon matapos ang suÂkatan ng mga talsik ng Wang’s Basketball at NU-Banco de Oro.
Huling laro sa alas-4 ay sa hanay ng Cebuana Lhuillier at Arellano University.
Ang Gems ay nangaÂngailangan na walisin ang apat na laro para magkaÂroon pa ng buhay ang pagÂhahabol sa puwesto sa quarterfinals.
Ito na ang ikalawang suÂnod na laro ng Road Warriors sapul nang pumasok ang 2014 at hahaÂrapin nila ang Bakers bitÂbit ang 96-80 at 89-70 pananaig sa Wang’s Basketball at Jumbo Plastic.
Hindi nagkukumpiyansa si NLEX head coach BoÂyet Fernandez daÂhil ang Bakers ay nanalo rin sa kanilang huling apat na laro.
“Café France is plaÂying well especially since they have a chance to make the playoffs. They are a dangerous team,†ani Fernandez.
Isa sa sandata ng Café France ay ang kanilang maÂtinding depensa.
Ibabandera ng Road Warriors si Garvo Lanete na naghatid ng 51 puntos sa huling dalawang laro.