Pagpapalit ng coach walang epekto sa Azkals

MANILA, Philippines - Hindi naniniwala si Azkals team manager Dan Palami na makaka­sama ang gagawing pag­papalit ng head coach ng koponan sa paglahok ng bansa sa 2014 AFC Challenge Cup sa Mayo sa Mal­dives.

Tinuran ni Palami na hin­di ito ang unang pag­ka­kataon na gagawin ng koponan ang bagay na ito at tinuran ang kaso ni Simon McMenemy na hindi na itinuloy ang kontrata noong 2012 kahit nagawa niyang ipagkaloob sa Azkals ang makasaysayang semifinals spot sa Suzuki Cup.

Ang pumalit kay Mc­Menemy na si Hans Mi­chael Weiss ay mapapa­litan na rin dahil wala ng balak ang Philippine Foot­ball Federation (PFF) na tapusin hanggang Marso ang kanyang kon­trata.

“This is not the first time that I’ve made a coa­ching change. I did that right after the February playoff against Mongolia when I hired Michael to replace Simon who’s contract I didn’t extent,” wika ni Palami.

Hindi naman nagkomento si Palami sa pagsibak kay Weiss ngunit na­pa­lathala sa isang website na mismong ang German coach ang nagkumpirma na wala na siya sa Azkals.

Sa Enero 15 inaa­sa­hang maglalabas ng opis­yal na pahayag ang pa­­munuan ng PFF pero si Palami ay kumilos na dahil may anim na pangalan na siyang pinagpipi­lian para ipalit kay Weiss at po­sibleng pangalanan ito sa Pebrero.

“I have six candidates already and hopefully I get to interview them. One is based in UK, one is based in Hong Kong coaching their winningest club, one is based in US and Germany and somebody from Montenegro. Some of them have experiences already with Barcelona, with Manchester, Liverpool, these are the caliber of coaches that we are looking at right now,” pahayag pa ng Azkals team manager.

Tinuran pa ni Azkals na masaya siya at ang PFF sa mga tagumpay na naibigay ni Weiss sa pambansang koponan, ngunit dumating ang pagkakata­on na dapat na gumawa ng desisyon ang management kung makukuntento pa sila sa talento ng German coach.

 

Show comments