MANILA, Philippines - Dahil sa kanyang maÂlaÂking kontribusyon para sa Philippine sports noong nakaraang taon, hinirang si Manny V. Pangilinan bilang Executive of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa darating na Annual Awards Night sa Enero 25 sa Centennial Hall of the MaÂnila Hotel.
Si Pangilinan, ang chairÂman ng Philippine Long Distance CompaÂny/Smart and TV5, ang ikaapat na personalidad na pararangalan ng piÂnaÂkamatandang media orgaÂnization sa isang formal affair na inihahandog ng Milo at Air21 bilang mga major sponsors.
Ang mga nauna nang nabigyan ng PSA Executive Award ay sina Philippine Azkals team manager Dan Palami, Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) preÂsident Ricky Vargas at PBA commissioner Chito SaÂlud.
“We can’t think of any other persons worthy of the Executive of the Year award than Mr. Manny V. Pangilinan himself,†saÂbi ni PSA president Jun LoÂmibao ng the Business MirÂror.
Bilang pangulo ng SaÂmahang Basketbol ng PiÂlipinas (SBP) ay binandeÂrahan ni Pangilinan ang taÂon kung saan muling puÂmaimbulog ang mga FiÂlipino cagers.
Ang pinakatampok diÂto ay ang paglalaro ng banÂsa sa world championship matapos ang 35 taon.
Sumegunda ang Gilas Pilipinas sa 27th FIBA-Asia Men’s Championship noong Agosto.
Ang pagsasagawa ng naÂsabing qualifier para sa FIBA-World Cup sa Spain ay muling naidaos sa bansa makaraan ang 40 taon sapul noong 1973.
Katuwang ng PSA sa pamamahala sa Annual Awards ang Smart Sports, Philippine Sports ComÂmission, Philippine BasÂketball Association, AcÂcel at3XVI, Philippine ChaÂrity Sweepstakes Office, Philippine Amusement and Gaming Corp., GloÂbalport, Air21, Rain or Shine, ICTSI-Philippine Golf Tour at si Senator Chiz Escudero.