^

PM Sports

Fuentes saludo kay Nietes

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi makalimutan ni Moises Fuentes ang kanyang pagkatalo kay Donnie Nietes nang pinuntirya ang hawak na WBO light flyweight title ng huli noong Marso 2 sa Cebu City.

Nauwi sa majority draw ang laban pabor sa Filipino champion upang bumalik na luhaan sa Mexi-co ang dating WBO minimumweight champion.

Tanggap ni Fuentes ang pagkatalong iyon at kinilala ang mas malawak na karanasan na taglay ni Nietes.

“I think in that fight, I didn’t have enough expe-rience,” ani Fuentes sa Anson Wainwright ng Doghouse Boxing interview.

“Nietes in an old wolf but it was his hardest fight of his life. Nobody punished him like I did,” dagdag ni Fuentes, 28-anyos.

Ipinag-utos ng WBO ang rematch sa pagitan ng dalawang boksingero at bago mangalahati ang taong 2014 ay inaasahang magaganap ang laban.

May kumpiyansa si Fuentes na iba na ang resultang makikita sa laban at uuwi siyang bitbit ang kanyang ikalawang world title sa magkaibang dibisyon.

“I’m focused on des-troying Nietes. I get the junior flyweight title. I want to be champ of the world in several different divisions,” banggit pa nito.

Matapos mabigo kay Nietes ay ibinaling ni Fuentes ang bangis sa sumunod na tatlong laban na ginawa sa Mexico.

Masuwerte pa si Gerardo Verde na natalo sa pamamagitan ng unanimous decision noong Hunyo 28 dahil sina Luis dela Rosa at Omar Salado ay yumukod sa pamamagitan ng technical knockouts noong Setyembre 7 at Nobyembre 22.

Sa kabilang banda, tinapos ng 31-anyos na si Nietes ang 2013 bitbit ang third round TKO panalo laban kay Sammy Gutierrez ng Mexico noong Nobyembre 30 sa Araneta Coliseum.

Asahan na hindi magpapabaya si Nietes sa taong ito dahil hanap niya na manatiling kampeon upang matapatan ang pitong taon na pagiging world champion ni Gabriel “Flash” Elorde.

Noong Setyembre 30, 2007 unang naging world champion si Nietes nang talunin si Pornsawan Porpramook ng Thailand para angkinin ang WBO minimumweight title.

 

vuukle comment

ANSON WAINWRIGHT

ARANETA COLISEUM

CEBU CITY

DOGHOUSE BOXING

DONNIE NIETES

FUENTES

GERARDO VERDE

MOISES FUENTES

NIETES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with