MANILA, Philippines - Hindi palulusutin ni PBA Commissioner Chito Salud ang nangyaring pananakal ni Jared Dillinger kay Calvin Abueva ng Alaska at ng Meralco sa 74-65 panalo ng Bolts kontra sa Aces noong Biyernes.
Sinabi ni Salud na rerebyuhin niya ang game tape kung saan nagkabuhol sina Abueva at Dillinger may10:09 minuto sa fourth quarter.
“I will review the incident in my office first thing on Monday and make a determination as to the sufficiency of the technical fouls assessed against both players for their actuations,†wika kahapon ni Salud.
Nangyari ang insidente nang supalpalin ni Abueva si Dillinger kasunod ang pagkakabuhol nila at pagbangga sa cushioned baseline railing kung saan sinakal ng Fil-Am cager ang 2013 PBA Rookie of the Year awardee.
Sa pagsupalpal ni Abueva ay tinamaan niya ng kanyang braso ang ilong ni Dillinger kaya dumugo.
Parehong tinawagan ng technical foul ang dalawa.
“If the penalties given on court are found to be proportionate to the acts in question, then I will consider the matter closed. Otherwise, I will invite the players involved to hear their side and thereafter mete out the commensurate sanctions.â€
Matapos ang kaguluhan ay pinuntahan ni Alaska team owner Fred Uytengsu si Salud at kinuwestiyon ang tawag ng referee.
Ayon kay Uytengsu, dapat lamang na si Dillinger ang pinatalsik sa laro dahil sa pananakal kay Abueva.
“As a matter of course, I conduct my reviews in the office and I assured him that I will do so,†ani Salud sa Alaska team manager.