Smith pinagmulta ng $50K

NEW YORK -- Nauna nang binalaan ng NBA si J.R. Smith  ngunit binalewala niya ito dahilan para patawan siya ng multang $50,000.

Pinatawan ng NBA ang New York Knicks guard dahil sa paulit-ulit na unsportsmanlike conduct matapos tangkaing hubaran ng sapatos ang kanyang kalaban sa ikalawang pagkakataon.

Hinubaran ni Smith ng sapatos si Mavericks forward Shawn Marion nang magtabi sila sa isang free throw attempt sa kanilang laro sa Dallas noong Lunes at binalaan siya ng league office dahil dito.

Nauna nang sinabi ni coach Mike Woodson bago ang kanilang home game noong Martes kontra sa Detroit na hindi dapat ito ginagawa ni Smith.

Ngunit muli itong ginawa ng reserve guard kay Greg Monroe sa isa ring free throw attempt kung saan ito napanood ni league disciplinarian Rod Thorn.

“I’ve always said I don’t condone things that I know you shouldn’t do and no, I’m not happy about this, because again, he was warned, he comes back and he makes the same mistake and it’s not right,’’ ani Woodson sa isang radio interview sa ESPN New York.

 

Show comments