LARO NGAYON
(Rizal Memorial)
Simula alas-8:00 ng umaga
NU vs UST
AdUvs UP
ADMU vs DLSU
MANILA, Philippines - Blinangko ng nagdedepensang Adamson University ang University of the Philippines sa five innings, 7-0, para ipagpa-tuloy ang kanilang pinakamahabang arangkada sa UAAP Season 76 softball tournament sa Rizal Memorial Stadium.
Naghagis si Analia Benjamen ng isang one-hitter at pinatalsik ang anim na batters para sa pang-limang sunod na panalo ng Lady Falcons ngayong season at ika-39 sa kabuuan sapul noong taong 2010.
“Masuwerte at nanalo kami kahit hindi solid ang hitting,†sabi ni Adamson head coach Ana Santiago na isang panalo na lamang ang kailangan para mawalis ang first round.
Nag-init ang Lady Falcons sa third inning nang magtala ng limang runs mula sa apat na hits na tinampukan ng two-run double ni Luzviminda Embudo.
Umiskor naman ang University of Santo Tomas ng 12-5 panalo kontra sa 2013 runner-up National University para ilista ang 4-1 baraha sa ikalawang puwesto.
Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Lady Bulldogs para sa kanilang 3-2 baraha.
Kumawala ang Tigresses sa pamamagitan ng isang seven-run spree sa bottom fourth para kunin ang 11-5 lead.
“I was expecting a close match; I’m also surprised with the way the girls were doing and hitting today,†ani UST coach Sandy Barredo.
Binigo naman ng University of the East ang La Salle, 16-7, sa six innings para sa kanilang 2-2 marka at 1-5 ng huli.