MANILA, Philippines - Gagawin ng Pambansang delegasyon na lalaro sa 7th ASEAN Para Games ang lahat para mapanatili ang pangunguna sa host Myanmar sa kompetisyong gagawin sa Nay Pyi Taw mula Enero 11 hanggang 21.
Tulad ng ginawa sa 27th SEA Games, binawasan din ng organizers sa Para Games ang mga events na malakas ang mga panlaban na ipadadala ng Philippine Sports Association for the Differently Abled-National Paralympic Committee of the Philippines (Philspada-NPC Philippines).
Inihalimbawa ni Mike Barredo, ang chairman at founder ng Philspada-NPC Philippines na naging bi-sita sa kauna-unahang PSA Forum sa 2014 kahapon sa Shakey’s Malate, ang kaso ng pambato sa table tennis na si Josephine Medina na mababawasan ng medalya.
“Nagbawas ng laro sa table tennis at kung noong 2011 ay nanalo si Josephine ng apat na gold medals, this time, only two gold medals are expected from her,†wika ni Barredo na nakasama si Philspada exe-cutive director Dennis Esta sa forum.
Nag-uwi ang mga differently-abled athletes ng 23 ginto, 23 pilak at 18 bronze medals noong 2011 Para Games na ginawa sa Solo, Central Java, Indonesia.
May 57 manlalaro at 23 officials ang bubuo sa de-legasyon na suportado ng Philippine Sports Commission. Nasa 12 events ang paglalabanan sa Para Games at hindi sasali ang bansa sa boccia, goalboall, football 7-a-side, football 5-a-side at sitting volleyball.