MANILA, Philippines - Lumabas bilang pinakamainit na hinete sa MetroTurf sa Malvar, Batangas noong Disyembre si Patricio 'Patty' Dilema nang kumabit ito ng 113 puntos sa nasabing pista.
Tinalo niya ang karibal na si Jonathan Hernandez na nagkaroon lamang ng 104 panalo para makabawi si Dilema sa pangunguna ni Hernandez sa buwan ng Oktubre at Nobyembre.
Dahil din sa malakas na pagtatapos, nasaluhan ni Dilema si Hernandez sa taguri bilang pinakamahusay na hinete sa bagong race track sa tig-306 puntos.
May 72 at 121 puntos si Dilema sa buwan ng Oktubre at Nobyembre laban sa 74 at 128 ni Hernandez.
Si Mark Alvarez ang pumangatlo sa talaan sa 257 puntos (75-99-83) bago sumunod sina Jessie Guce sa 245 (108-53-84) at si Fernando Raquel Jr. sa 154 (64-29-61) para makumpleto ang unang limang puwesto.
Run-away winner naman si Marlon Cunanan sa hanay ng mga horseowners habang si Danilo dela Cruz ang nama-yagpag sa hanay ng mga trainers.
Ang dating Philracom Commissioner na si Cunanan ay nagtala ng 223 puntos, tampok ang 58 puntos sa buwan ng Disyembre para isama sa nakuhang 65 at 100 sa Oktubre at Nobyembre.
Malayong nasa ikalawang puwesto si Arleen Chua na may 130 puntos bago sumunod ang Jade Bros. Farm na may 113, Ruben Laureano na may 107 at Narciso Morales na may 100 puntos sa unang lima sa talaan.
Si Dela Cruz ay umani ng 166 puntos sa nagdaang buwan para makalikom ng nangungunang 563 puntos. May 152 puntos siya noong Oktubre at 245 sa sumunod na buwan.
Si Jess Pabilic ang pumangalawa sa 352 puntos bago sumunod sina Donato Sordan, Ruben Tupaz at Rosendo Mamucod bitbit ang 249, 233 at 167 puntos.