MANILA, Philippines - Maagang preparasyon ang nakikitang susi para magtagumpay ang ipadadalang Pambansang koponan sa Asian Games sa Incheon Korea.
Kaya sa araw na ito, makikipagpulong si PSC chairman at Asiad Chief of Mission Ricardo Garcia sa mga kinatawan ng POC para mailatag na ang mga taong makakatulong sa Task Force.
Mahalaga ang maitayo na agad ang Task Force para mailatag ang criteria sa mga manlalaro na nais na sumama sa de-legasyon.
“We are facing a new game, the Asian Games. So umpisa agad tayo. We need to form the Task Force early January and by February, we will start the training of our National athletes,†wika ni Garcia.
Noong 2010, sa Guangzhou China huling idinaos ang Asian Games at ang Pilipinas ay nagbitbit ng tatlong ginto, apat na pilak at siyam na bronze medals para sa produktibong kampanya.
“We’re happy in the last Asian Games. But I’m sure that this Asian Games will be a better one. I feel we can do better than the last time,†dagdag ni Garcia.
Bubuhos ang suporta sa mapipiling atleta tulad ng mahabang pagsasanay sa ibang bansa dahil ipagpapatuloy ng PSC ang priority program na isinulong noong 2013.