Hog’s Breath babawi sa 2-sunod na talo
MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng Hog’s Breath Café na wakasan ang losing streak na nagsantabi sa malakas na panimula sa pagharap sa Boracay Rum sa pagbabalik ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Arellano Gym.
Tampok na laro ito sa maghapon at gagawin dakong alas-4 at ang Razorbacks ay mangangailangan ng panalo para maging palaban pa sa mahalagang awtomatikong puwesto sa semifinals na ibibigay sa dalawang mangungunang koponan matapos ang elimination round.
Nagsimula ang tropa ni coach Caloy Garcia sa pagpanalo sa pitong unang laro ngunit dumausdos sila sa Jumbo Plastic at Café France upang bu-maba rin mula sa itaas ng standings tungo sa ikaapat na puwesto.
Masamang 4-5 baraha ang bitbit ng Waves ngunit hindi ito magi-ging dahilan para hindi matiyak na lalaban ang tropa ni coach Lawrence Chongson.
Tinapos ng koponan ang 2013 bitbit ang dalawang panalo sa Arellano at Zambales M-Builders para manatiling buhay pa ang paghahabol para sa puwesto sa quarterfinals.
“We’re not looking at the wins and losses. We just want to win as many games as possible and hope for the best,†wika ni Chongson.
Unang bakbakan sa 2014 ay sa pagitan ng Chiefs at National University-Banco de Oro sa ganap na ika-2 ng hapon.
Kunin ang unang panalo sa taon lamang ang bearing ng laro para sa Chiefs at Bulldogs na nasa ilalim ng standings bitbit ang 1-8 at 0-6 karta.
Nilisan na rin ni Bobby Ray Parks Jr. ang Bulldogs para madehado pa sa laban.
- Latest