IrvIng may bruised knee

CLEVELAND -- Ipapahinga ni Cavaliers All-Star guard Kyrie Irving ang kanilang ikalawang sunod na laro dahil sa isang bruised left knee.

Sinabi ng koponan na hindi siya makakasama sa biya­he ng Cavaliers sa New York para labanan ang Brooklyn Nets.

Hindi naglaro si Irving sa kanilang panalo kontra sa Orlando Magic kamakalawa.

Nasaktan ang tuhod ni Irving nang bumagsak matapos ang kanyang layup laban sa Indiana Pacers.

 

Show comments