^

PM Sports

Unahan sa panalo sa pagbabalik ng aksiyon sa PBA D-League

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Rambulan sa mahahalagang panalo para manatiling nasa kontensyon sa titulo ang agad na matutunghayan sa pagbabalik ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Enero.

Ang Hog’s Breath na lumasap ng dalawang dikit na pagkatalo matapos simulan ang kampanya bitbit ang pitong sunod na tagumpay ang mapapalaban agad dahil dalawang laro ang kanilang haharapin sa unang linggo ng Enero.

Balik-aksyon ang liga sa Enero 6 at masusukat ang tibay uli ng Razorbacks sa pagbangga sa bumabangong Boracay Rum na gagawin sa Arellano University gym.

Pangalawang laro dakong alas-4 ito masisilayan matapos ang unang tagisan sa hanay ng mga talsik nang NU-Banco de Oro at Arellano-Air21 sa ganap na ika-2 ng hapon.

Sa Enero 9 ay lalaro uli ang tropa ni coach Caloy Garcia laban sa inaasahang madaling katunggali na Bulldogs na ikalawa sa tatlong larong matutunghayan sa The Arena sa San Juan City.

Talunan ang Hog’s Breath sa kamay ng Jumbo Plastic (70-87) at Café France (58-81) upang malaglag sa 7-2 baraha at angat na lamang ng isang laro sa Cagayan Valley at Café France para sa ikaapat na puwesto sa standings.

Abante sa unahan at halos tiyak na ang pag-usad sa semifinals ang Big Chill sa 10-1 karta habang ang Jumbo Plastic ang nasa pangalawang puwesto sa 14-koponang liga sa 8-2 baraha.

Ang nagdedepensang kampeon na NLEX Road Warriors ay mayroon ding dalawang larong haharapin at asahan din na pupukpok nang husto ang koponan ni coach Boyet Fernandez para mapa-lakas ang paghahabol sa unang dalawang puwesto na mabibigyan ng awtomatikong puwesto sa Final Four.

Bitbit ang 4-1 baraha, unang laro ng Road Warriors  ay sa Enero 7 sa JCSGO Gym laban sa Wang’s Basketball at matapos ang isang araw na pahinga ay sasagupain nila ang Giants sa Enero 9.

Huling laro ng NLEX ay noon pang Disyembre 2 at tinalo nila ang Big Chill sa 97-88 iskor.

Kung ano ang epek-to ng mahigit na isang buwang pahinga ay makikita sa laban kontra sa Wang’s.

Ang tropa na pag-aari ni Alex Wang ay may 4-6 win-loss record lamang pero naipakita na nila na handa nilang harapin ang sinuman sa liga kaya’t hindi puwede na magkumpiyansa ang multi-titled na NLEX.

Ang Cebuana Lhuillier ay makikipagtagisan sa Zambales M-Builders sa unang laro sa Enero 7 habang ang Arellano at Blackwater Sports ang magtutuos sa ikatlong laro sa Enero 9 upang makumpleto ang iskedul sa unang linggo ng Aspirants’ Cup.

Dahil sa taglay na mababang record, nasa nasa ilalim ng team standing na Arellano-Ai21  (1-8), Derulo Accelero (1-9) at NU-Banco de Oro (0-6)na pare-parehong  napatalsik na sa kontensiyon para sa titulo.

 

ALEX WANG

ANG CEBUANA LHUILLIER

ANG HOG

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

BIG CHILL

ENERO

JUMBO PLASTIC

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with