PORTLAND, Ore. – Sa pagkawala ng injured na si LeBron James, si Chris Bosh ang nanguna para sa Miami Heat.
Nagtala si Bosh ng season-high 37 points, kabilang ang go-ahead 3-pointer sa huling 0.5 segundo ng labanan nang igupo ng Heat ang Portland Trail Bla-zers, 108-107 nitong Sabado ng gabi.
Nagdagdag si Bosh ng 10 rebounds upang ipalasap sa Portland ang ikatlong talo pa lamang sa kanilang homecourt ngayong season.
Nagtala si Wesley Matthews ng 23 points para sa Portland na nanalo ng pito sa kanilang huling 8-laro.
Nagtamo si James ng injury sa right groin at natapilok ang kaliwang paa noong Biyernes ng gabi sa 108-103 overtime loss sa Sacramento na pumutol ng winning streak ng Miami sa anim.
Nanatili siya sa laro at tumapos ng 33 points, eight rebounds at eight assists.
Nag-warm-up pa ang four-time NBA MVP bago ang laro ngunit idineklarang inactive, halos isang oras na lamang bago ang tipoff. Si Michael Beasley ang kapalit niyang starter.
Sa Indianapolis, tumapos si Paul George tangan ang 24 puntos habang si Lance Stephenson ay mayroong 23 at ang IndiaÂna Pacers ay umangat sa pangunguna sa Eastern Conference sa 23-6 sa pamamagitan ng 105-91 panalo laban sa Brooklyn Nets noong Sabado.
Nag-ambag si George Hill ng 21 puntos para sa Pacers na may limang manlalaro na naka-double digits at iniwan ang Nets sa ikatlong yugto.