La Salle spikers bumandera sa mga UAAP departments

MANILA, Philippines - Apat na departamento ang dinodomina ng De La Salle para katampukan ang magandang panimula sa Season 76 UAAP women’s volleyball tournament.

Hindi pa natatalo ang nagdedepensang kampeon matapos ang apat na laro at wala pa rin silang naisukong set sa kalaban at ito ay dahil na rin sa kahusayan sa pag-spikes, block, set at receive.

May 156 spikes sa 420 attempts ang Lady Archers tungo sa 37.14 success para pamunuan ang Best Spi­kers, habang ang koponan ay may 45 blocks at 3.75 blocks average per set para ma­ging No. 1 din sa Best Blockers.

Gumagawa rin ng 96 run­ning sets at walong a­ve­rage per set ang La Salle, habang may 26.92 efficiency ang kanilang receivers pa­ra pangunahan rin ang Best Setters at Receivers categories.

Pangalawa din ang tro­pa ni head coach Ramil de Jesus sa Best Servers sa pag­kakaroon ng 31 aces at 2.17 average per set para pa­wiin ang pagkakalapag ng koponan sa ika-pitong pu­westo sa Best Diggers de­partment sa 76 digs at 6.33 average digs per set.

Ang Ateneo na puma­ngalawa sa Season 75 at may 3-1 baraha kahit nawalan ng mga key players, ang No. 1 sa Best Servers sa 31 aces at 2.58 average per set, habang ang Adamson ang Best Diggers sa 146 digs at 10.43 average per set.

 

Show comments