Maidana inungusan si Manny para sa ‘Comeback of the Year’ award ng RingTV

MANILA, Philippines - Tinalo ni World Bo­xing Association (WBA) wel­terweight ruler Marcos Maidana si Filipino world eight-division king Manny Pacquiao para sa  “Comeback of the Year” ng RingTV sa ta­ong 2013.

Inungusan ng Argentine welterweight, nang­ga­ling sa panalo kay Ad­rien Broner, si Pacquiao mu­la sa kanyang na­ku­hang na 38.2 porsiyentong boto kum­para sa 35.1 ng Filipino boxing icon sa isinagawang RingTV poll.

Dalawang beses lumaban si Maidana noong 2012 kung saan natalo na­man si Pacquiao kina Ti­mothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez.

Natalo si Maidana kay Devon Alexander noong na­karaang taon ngunit bu­mangon sa pamamagitan ng tagumpay kontra kina Jesus Soto Karass at Angel Martinez bago matapos ang 2012.

Noong 2013 ay binigo niya si Josesito Lopez kasunod naman ang pagdo­mina kay Broner para sa WBA title.

 

Show comments