^

PM Sports

Ricardo De Zuñiga Trophy Race ilalarga ngayon sa Santa Ana

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pasisiglahin ang pista sa Santa Ana Park sa Naic, Ca­vite ngayong gabi sa pag­larga ng Ricardo De Zu­ñiga Trophy Race para sa 2-year old maiden hor­ses.

Sa 1,200-metro distan­syang paglalabanan ang ka­rerang handog din sa pang-50 ta­on ng paninilbihan ni Zuñiga sa horse racing.

Walong kabayo ang mag­susukatan sa karera na race three sa  siyam na na­ka-programa sa gabi at ang mga ito ay ang Mister Yo­kishoti (RC Landayan), Attila (RR Camañero), Answered Prayer (JB Ba­cay­cay), Smart Kid (JAA Gu­ce), True Steel (NK Ca­lingasan), YYY Delayla (Val Dilema), Wow Pogi (ES De Vera) at Vice Chancellor (JB Cordero).

Masuwerte ang mana­nalong kabayo dahil maiuuwi ng winning connec­tions ang P30,000.00 ad­ded prize na handog ng Phi­lippine Racing Commis­sion (Philracom) at Hubert Leong na naglaan ng P10,000.00 at P20,000.00, ayon sa pagkakasunod.

Ang Answered Prayer ang maaaring isa sa mapa­bo­ran sa karera matapos ang pangatlong puwestong pag­­tatapos sa 2YO Maiden Race at sa Philtobo race no­ong Disyembre 3 at 15 sa pagdadala ni Mark Alvarez.

Ikalawang pagdiskarte ni Bacaycay sa nasabing ka­bayo ay inaasahang na­ku­ha na niya ang tamang ren­da para higitan ang panlimang puwestong pagtatapos noong Disyembre 21.

Sa hanay ng mga mag­lalaban, ang True Steel ang may pinakamagandang pag­tatapos sa huling karerang nilahukan ng mga mag­lalaban nang tumapos ang kabayo sa ikatlong pu­westo sa isang 2YO Mai­den race noong Disyembre 21.

Isa rin sa kasasabikan ay ang race six na isang class division four race at si­nalihan ng anim na mana­nakbo.

Kasama rito ang Purple Ribbon na kapapanalo lamang sa isang special class division race noong Dis­yembre 21.

Pero ibinalik ang ka­bayo sa pagdiskarte kay Dan Camañero.

 

vuukle comment

ANG ANSWERED PRAYER

ANSWERED PRAYER

DAN CAMA

DE VERA

DISYEMBRE

RACE

SHY

TRUE STEEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with