Grace Giver nagbigay ng magandang Pamasko

MANILA, Philippines - Magandang Pamasko ang ibinigay ng kabayong Grace Giver sa kanyang connections nang manalo ito sa handicap race na si­nalihan noong Disyembre 24 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si JV Ponce ang pina­sakay sa kabayo sa ikala­wang sunod na pagkaka­taon at winakasan ng tam­balan ang da­lawang di­kit na segundo puwes­tong pagtatapos ma­tapos do­minahin ang labanan ng tat­long kabayo sa rek­­ta.

Lumayo ang Grace Gi­ver sa huling 100 metro sa 1,200-metrong karera pa­ra tuluyang agawin ang ban­de­ra sa napaborang Jungle Jingle bago ungusan ang Pit Boss ni Jes­sie Guce para makuha ang panalo.

Ang Grace Giver na tu­makbo sa ikalawang pag­ka­kataon sa buwan ng Disyembre ay siyang lu­mabas bilang pinakadehadong kabayo na na­na­lo sa araw na ito para ma­kapaghatid ng P64.50 dibidendo sa win at ang 3-5 forecast ay mayroong P150.00 na ipina­mahagi.

Isa pang dehadong ka­bayo na kuminang ay ang Katmae.

Nabiyayaan ang re­ma­te ng Katmae nang ma­unang ilusot ang kanyang ilong pa­ra daigin ang Lady Liam sa handicap race 2 sa 1,200-metro distansyang ka­rera.

Halagang P53.50 ang inabot ng win, ha­bang ang dehado pang forecast na 6-4 ay mayroong P431.50 dividendo.

Show comments