MANILA, Philippines - Bumangon ang Express mula sa 17-point deÂficit sa second period para sa kanilang ikalawang panalo sa torneo.
Nagposte si Joseph Yeo ng triple-double, habang nagtuwang naman siÂna Asi Taulava, Mac CarÂdona at Niño ‘KG’ CaÂnaleta sa overtime paÂra akayin ang Air21 sa 109-103 tagumpay laban sa Globalport sa sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia AreÂna sa Pasay City.
Nagtala si Cardona ng apat na puntos sa overtime, habang tumipa si Yeo ng dalawang mahalagang free throws at tumiÂpa si Canaleta ng isang three-point shot para sa ikaÂlawang panalo ng Express sa torneo.
“Everybody’s playing well even if were down 15-17 we just didn’t quit,†sabi ni head coach Franz Pumaren. “It’s an improvement.â€
Naglalaban pa ang BaÂrangay Ginebra at ang PetÂron Blaze habang isiÂnuÂsulat ito.
Ang tres ni Canaleta ang naglagay sa Air21 sa 102-100 bentahe sa 1:21 ng overtime kasunod ang split ni Vic Manuel at daÂlawang free throws ni Yeo para sa kanilang 105-100 kalamangan sa huling 45.5 segundo.
Huling nakadikit ang GloÂbalport, nahulog sa kaÂnilang ikalawang sunod na kamalasan, sa 103-105 agwat matapos ang three-point play ni Jay WaÂshington sa natitirang 36.6 seÂgundo.
Umiskor si Cardona ng basket kasunod ang kanÂyang dalawang charities para ilayo ang Air21, tinapos ang kanilang three-game losing slump, sa 109-103 sa huling 9.2 seÂgundo.
Tumapos si Taulava na may team-high na 28 points kagaya ni Cardona.
“Asi Taulava, he really glued the team together,†sabi ni Pumaren. “Joseph Yeo has triple-double, and Mac gave us the lift and the energy.â€
Naglista si Yeo ng triple-double mula sa kanyang 19 markers, 14 assists at 10 rebounds.
Pinangunahan ni Sol MerÂcado ang Globalport muÂÂla sa kanyang game-high na 35 points kasunod ang 21 ni Washington at 16.
(Russell Cadayona)
Air21 109 - Taulava 28, Cardona 28, Yeo 19, Manuel 14, Canaleta 11, Camson 5, Jaime 2, Custodio 2, Menor 0, Arboleda 0, Sharma 0.
Globalport 103 - Mercado 35, Washington 21, Romeo 16, Salva 9, Lingganay 7, Menk 5, Salvador 4, Yee 2, Hayes 2, Garcia 2, Nabong 0, Chua 0.
Quarterscores: 21-32; 47-53; 70-66; 93-93; 109-103. (OT)