MANILA, Philippines - Pambansang Kamao, Pinoy boxing hero, FighÂting Congressman.
Ito ang mga titulong ibiÂnigay kay Manny Pacquiao ngunit higit dito ay kiÂnikilala siyang bayani ng mga Pinoy lalo na ng mga mahihirap na kanyang natutulungan.
Bumagsak ang estado ni PacÂquiao sa larangan ng boÂxing matapos makalasap ng pagkatalo kontra kiÂna Timothy Bradley Jr. at Juan Manuel Marquez noÂong 2012.
Hinusgahan si Pacquiao sa mga pagkatalong ito at may mga nagsabing laÂos na ito at tapos na ang kanyang boxing career.
Bumagsak din ang morale ng mga Pinoy dahil sa sunud-sunod na dagok ang sinapit ng bansa.
Baha, kaguluhan sa ZamÂboanga, isyu sa pork barÂrel at kung anu-ano pang problema at ang piÂnakahuli ay ang pagsalanta ng pinakamalakas na bagÂyo sa kasaysayan ng mundo na Yolanda.
Lugmok ang Pilipinas nang magawang ibangon ni Pacquiao ang morale ng mga Pinoy sa pamaÂmaÂgitan ng kanyang imÂpreÂsibong unanimous decision win kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios.
Matagal na nagpahi-nga sa boxing si Pacquiao at nang maitakda ang PacÂquiao-Rios fight ay piÂnaghandaan niya ito ng mabuti.
Sa kasagsagan ng kanyang training, sumalanta ang bagyong Yolanda.
Likas kay Pacquiao ang pagdamay at pagtulong sa mga nasasalanta ng bagyo. Nang higit na kailangan si Pacquiao ng mga taong dumanas ng hagupit ni Yolanda, hindi siya agad makapagbigay ng tulong, bagkus ay iniÂalay niya ang kanyang laban sa mga Pinoy partiÂkular sa mga taga-Tacloban.
Naibsan ang hirap na diÂnaranas ng mga Tac-loÂban nang magkaroon siÂla ng pagkakataong panoorin ang laban ni Pacquiao sa mga inilagay na monitors sa iba’t ibang luÂgar at ipagdiwang ang kanyang tagumpay.
Sa pambubugbog niya kay Rios, naibalik niya ang sarili sa mapa ng boxing at nagkaroon ng pag-asa ang mga taong duÂmanas ng hirap at hinagpis matapos mawalan ng mga mahal sa buhay, mawalan ng tirahan at hiÂrap na makahanap ng maÂkakain.
Pagkatapos ng kanyang panalo ay agad na umuwi ng bansa at duÂmiretso ng Tacloban upang tuparin ang kanyang pangakong bisitahin at tutulong sa mga naÂsalanta ng bagyo.
Kasabay ng mainit na pagsalubong kay Pacquiao ng kanyang mga kababa-yan ay ang paniningil ng BuÂreau of Internal Re-veÂnue sa kanya ng kakula-ngang bayad sa buwis.
Bagama’t na-freeze ang lahat ng kanyang assets at hindi makakuha ng kanyang pera sa bangko, gumawa ng paraan si Pacquiao para makatulong sa mga Yolanda victims.
Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng BIR at sa panig ni Pacquiao ngunit bandang huli ay idinaan na lang sa masinsinang pag-uusap.