^

PM Sports

Hindi ganun kasama

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Kabuuang 29 gold medals, 34 silver at 38 bronze ang nakuha ng Team Philippines na tumapos ng 7th place sa katatapos lamang na 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.

Sinasabing ito na ang pinakamasamang pagtatapos ng Pinas sa naturang biennial meet.

Nabigo tayong mamintina ang 6th place finish sa nakaraang edisyon ng SEA Games sa Palembang, Indonesia noong 2011.

Lalabas na ang 29 ginto ang ikatlong pinakamababang produksiyon ng bansa matapos ang 20 noong 1999 sa Brunei at 26 noong 1989 Kuala Lumpur.

Pero teka, bago natin husgahan ang mga inilaban nating atleta sa Myanmar SEAG, balikan muna natin ang Palembang edition ng SEA Games.

Mahigit 500 atleta ang ipinadala natin sa Palembang. Ang kanilang produksiyon ay 36 gold, 56 silver at 77 bronze medals.

Kabuuang 39 sa 42 na pinaglabanan ang nilahukan ng bansa noon.

Samantalang dito sa Myanmar, 208 lang ang ipinadala natin, 27 sport lamang ang sinalihan.

 Di hamak na higit na mas naging produktibo ang maliit na delegasyong ipinadala natin ngayon kaysa noong 2011.

Sa kabuuan, ang Pilipinas ay sumali lamang sa 167 events mula sa 460 na pinaglabanan. Bale 13 NSAs ang nag-uwi ng gintong medalya.

Ang athletics ang numero uno sa anim na ginto at ang iba pang nanalo ay ang taekwondo (4), wushu (3), boxing (3), judo (2), billiards (2), cycling (2), golf (2), karatedo (1), archery (1), rowing (1), muay (1) at men’s basketball (1).

Ang mga sports na naghatid ng pilak o bronze medals ay ang women’s basketball, canoeing, chess, pencak silat, sailing, sepak takraw, shooting, swimming, table tennis, weightlifting at wrestling.

Minalas naman ang badminton, equestrian at wo-men’s football na hindi nakapag-ambag sa medal tally.

vuukle comment

BRUNEI

KABUUANG

KUALA LUMPUR

LALABAS

MAHIGIT

MINALAS

MYANMAR

PALEMBANG

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with