Oklahoma bagsak sa Toronto Pacers, Clippers nalo rin

OKLAHOMA CITY -- Umiskor si Kyle Lowry ng 22 points, kasama dito ang dalawang krusyal na free throws sa natitirang 9.8 segundo, para igiya ang Toronto Raptors sa 104-98 panalo laban sa Oklahoma City Thunder.

Ito ang kauna-unahang home loss ng Thunder.

Tinapos ng Raptors ang nine-game winning streak ng Thunder na may 13-0 baraha sa Oklahoma City.

Sa Indianapolis, itinala ni Lance Stephenson ang kanyang ikatlong triple-double ngayong season, habang umiskor si Paul George ng 24 points at nagsalpak si Danny Granger ng apat na 3-pointers para pangunahan ang Indiana Pacers sa 106-79 paggupo sa Boston Celtics.

Humakot si Stephenson ng 12 points, 10 rebounds at 10 assists.

Matapos ang kanilang unang magkasunod na kabiguan ay muling ipinakita ng Pacers ang kanilang porma laban sa Celtics.

Sa Los Angeles, nagtuwang sina Jared Dudley at Chris Paul para tulungan ang Clippers sa 120-116 overtime win kontra sa Minnesota Timberwolves.

Tumipa si Dudley ng isang go-ahead 3-pointer sa huling 38 segundo sa overtime at nagdagdag si Paul ng limang free throws sa nalalabing 19 segundo para sa panalo ng Clippers.

Tumapos naman si Blake Griffin na may 32 points at 10 rebounds para sa Clippers, habang may 22 si Jamal Crawford.

 

Show comments